BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, March 10, 2011

"Wish Ko Lang"



Tibok ng puso ko’y biglang bumilis
Anumang gawin ayaw maalis
Kaba sa dibdib na walang kawangis
Tila may hiwagang ninanais.

Di mapigilan, di maiwasan
Itong gumugulo sa aking isipan
Ako kaya’y muling makikipagsapalaran?
O mga gunita’y isang panaginip na lang

Matang nangungusap
Na tulad ng isang alapaap
Mukhang mapang-akit
Na tulad ng isang ibong marikit.

Pinapangarap na makatabi
Pinapangarap na lihim ay masabi
Ngunit saki’y may alinlangan
Na ang ibig sabihin kaya’y walang kahahantungan?


O Zues , bigyan ako ng lakas
Upang pagsamo ko’y maipamalas
Tubig sa ilog na napakagilas
Handang malunod sa pagsintang wagas.

Panimdim ko’y wag sanang mapawi
Kung masawi, lulumbay at mapipighati
Magtiwala na lang at manalangin
Wish ko lang…ako’y mahalin.

Ang aking bagong tahanan




November 15, 20010, ito ang una kong pagtulog sa dorm. (Mens Dorm 6 & 7). Oo. Sa dorm. Nakadorm na ako. Weird diba? Kung kelan 3rd year na ako ay saka palang ako nagdorm. (paki ba nila). Isa sa dahilan kung bakit ako nagdorm ay dahil para magkaroon ako ng bagong experience. Experience kung pano mamuhay ng nag-iisa. Para matutong magluto. (natuto nna nga ba ako?) isa lang ang masasabi ko sa pagtira sa dorm. Masaya! Thanks kay Darhyl dahil sya ang nanghikayat sakin para nga daw maexperience ko. Thanks ulet. (paulit-ulit?) mababait yung mga karoom ko.special mention kina Ate Aritha (Ralph Jacob), Ate Jessica (Jonathan), sila Promil, Jazer, Jr, Edmon, Alvin at si Darhyl.. nung una ay syempre nahihiya ako pero nagayon, ayon medyo nahihiya pa rin. . Sana next sem ay sa dorm ulit ako dahil masay. Walang araw yatang hindi ako tumatawa. Halakhakan.....

Baguio Days! (December 20-31, 2010)






Almost 2 weeks akong nagbakasyon sa Baguio last year. Kasama ko ung mga pinsan ko. Doon kami tumuloy sa bahay ng pinsan kong kakakasal lang. Pareho silang doktor. Doctor ng mga hayop. (astig diba?) pagdating namin sa Baguio ay tumuloy muna kami sa bahay nila sa Balacbac. Nagpahinga muna kami at after magdinner ay pumunta na kami sa Burnham Park. Nagboating...kaen mode...window shopping sa SM Baguio (wala kasing pambili. ). Picture-picture. Ang saya-saya diba? The next day naman ay nagpunta kami sa PMA, The Mansion, Mines View, Camp John Hay at Groto... Infairness nakapapagod maglibot lalo na nung inaktyat namin ung groto. The following day ay nagswimming kami sa Riverview Water Park. Napakaganda ng lugar doon,., ganda ng ambiance. Samantala medyo may pagkamalas yata ako that day. Nung una ay muntik akong masubsob, sumunod ay nasira yung bracelate ko, and ang pinakamaskap ay muntik na akong malunog. Oo! As in. Tama ba kasing magmagaling ako? Nagslide kasi ako sa swimming pool na 6ft ang pagbabagsakan. Sorry naman. Tao lang. Diko naman kasi akalaing malulunod ako. E bakit yung pinsan ko at kuya ko na hanggang balikat ko lang e hindi nalunod? (haha! Palisot pa ako). Buti nalang andun si kuyang sumagip sa akin. Thanks poh! Thanks sa pagsagip.

Wednesday, March 9, 2011

Hayskul Life

Sabi nga ng nakararami, "High school life is one of the most happiest moment" sa ating buhay. Tama! Masaya ang high school life. Maraming mga pangyayaring di malilimutan. Masya ako sa school na napili kong pasukan dahil dito ko nakilala ang mga taong nagturo, nagpasaya, nagpalungkot, nang-inis, nanukso at syempre yung nagpatibok ng aking puso (?). Hay! kaysarap talagang alalahanin ang buhay hayskul. Aabutin siguro ako ng 48 years bago matapos ang aking pagkuklwento kaya pipiliin ko nalang yung mga talagang memorable sa akin.
First Year (Adjustment Period)
Pag-aadjust dahil panibagong kabanata na naman ang aking tatahakin, panibagong kapaligira at mga taong aking makasasalamuha. Walka pang masyadong nakaatang na mga Gawain sa amin noon. Wala pang mga nakaiistress na problema. Kaya madalas ay puro kasiyahan an gaming pinagsasaluha. Pag wala na kaming ginagawa sa hapon kami ay bumabalik sa pagkabata. Kami’y nag-haharang-taga, piringan ng mata, habulan, sipa at marami pang iba. (Mga bata pa talaga kami). Ditto nagsimula ang pagkakaroon ng panibagong barkada na halos ayaw nang maghiwa-hiwalay. (Lalo na pag may group activity diba?). sukdulang gagawin ang lath para lang magkakasama. Syempre ditto rin nagsisimulang magkaroon ng mortal enemy, ultimate crus at marami pang mga “first time” na naranasan as a first year.
Second Year (Teamwork sa isat-isa)
Malungkot dahil hindi na kami kumpleto. Ang ilan ay lumipat ng school o kay naman ay nagkaroon ng bagsak. Malungkot isipin na sila’y lilisan na ngunit may panibagong kamag-aaral naman na dumating. Mas nagkaroon ang teamwork naming sa isa’t isa na hindi naaappreciate ng iba. Ang masaklap pa kami ay napapsama dahil sa pagiging concern sa bawat isa. (Well, talagang ganun.) may klasmeyt pla akong hindi ko talaga malilimutan. Panagalanan nalang natin syang _z_z. (Gets?). di ko malilimutan dahil sa sobrang kalikutan, malaks mantrip. As in talaga!. Sya pa nga ang bumansag sakin ng ****** eh! (bawal sabihin) na hanggang ngayon ay tuko parin sa akin ng iba kong mga classmate. (Kainis talaga! Hindi na makamove on). Pero kahit na sya ay nakaiinis, ayos at amsaya rin naman syang kasama (?)  dati naïve yun pero ngayon for sure malaki na ang pinagbago. Nakanonosebleed na sya sigurong kausap. Laking London na kasi eh. (Sosyal). 5 years na pala since he left us. (drama!) Uy! Pasalubong naming ah, don’t forget ().

Tuesday, March 8, 2011

Justin Bieber - Pray


Pray – Justin Bieber 

Ohh Ohh Ohh .. and I pray
I just cant sleep tonight.
Knowing that things aint right.
Its in the papers, its on the tv, its everywhere that I go.
Children are crying.
Soldiers are dying
Some people don’t have a home
But I know there’s sunshine behind that rain
I know there’s good times behind that pain, hey
Can you tell me how I can make a change
I close my eyes and I can see a better day
I close my eyes and pray
I close my eyes and I can see a better day
I close my eyes and pray

I lose my appetite, knowing kids starve tonight.
And when I sit up, cause my dinner is still on my plate.
Ooo I got a vision, to make a difference.
And its starting today.

Cause I know there’s sunshine behind that rain
I know there’s good times behind that pain, hey
Haven`t tell me how I can make a change
I close my eyes and I can see a better day
I close my eyes and pray
I close my eyes and I can see a better day

I close my eyes and pray
For the broken-hearted.
I pray for the life not started
I pray for all the ones not breathing.
I pray for all the souls in need.
I pray. Can you give em one today.
I just cant sleep tonight
Can someone tell how to make a change?

I close my eyes and I can see a better day
I close my eyes and pray
I close my eyes and I can see a better day
I close my eyes and I pray

I pray ..
I close my eyes and pray ..